Pictures courtesy of http://www.oldmanila.net/
Street of nipa huts Manila P.I. |
Rizal Ave. near Carriedo St. |
Hindi masama ang pag unlad kung ito'y pinag isipan lang sana ng mikasampung beses. Ito pa nga ang magbibigay hudyat na ang ating bansa ay lumalago sa pag unlad. Masakit lang isipin dahil maliit pa akong bata ay isa na ang Pilipinas na nasa 3rd world country. Hindi ko alam kung gaano katotoo ito pero, ayon sa isang reliable source, "Third world country is used during the Cold War to those countries which were not in allegiance with neither the first world (U.S. and its allies) nor second world (Communists and its allies) Therefore neutral, and Philippines is one of them." 'ika nga e tayo ay isa "daw" sa mga "developing countries." Pero, ang tanong, hindi pa rin ba tayo nadedevelop? kung hindi pa, kailan pa? Tsk! Ano ba ang ginagawa ng ating pamahalaan? at ano rin ba ang ginagawa natin upang tayo ay makatulong sa pagunlad ng Plipinas. Napakarami pa nating dapat gawin at hindi ko din alam kung paano ito sisimulan dahil sa lawak ng dapat pag aralan. Ayoko namang mag galing galingan.
Iba-iba kasi ang pananaw natin, yung tama sa akin, maaaring mali sa inyo at yung tama sa inyo, maaari din namang mali sa akin. Iba-iba talaga kaya, may kahirapan. Kaya nga kahit sino ang maupong presidente, hindi ito mawawalan ng kritiko. Sabagay kahit saan naman siguro. Pero mabalik lang ako, ano nga kaya ang gagawin ko kung sakaling makabalik ako sa lumang panahon? Pakinggan kaya ako? nakakatawa pero "kung" sakali, siguro, uunahin ko ang Maynila dahil sa liit ng mga kalye doon lalong lalo na sa may gawing chinatown o sa may Binondo. Sabagay, sino nga ba naman ang mag aakalang dadami ang tao at mga sasakyan? iba din kasi ang isip na tao noon. Balak kong palawakin ang mga kalye sa naturang mga lugar. At ang mga ilog ay dapat consistent ang pagsasabatas na bawal ang pagtatapon ng basura at dapat mapanatiling malinis ito. Parurusahan naman ang sinomang mahuling nagkakalat. Teka! para nga atang napakaraming gagawin, sigurado magsa sanga-sanga na yan.
Ilan lang naman yan sa mga nais kong gawin kung sakaling ako'y makabalik sa lumang panahon. Alam nyo ba, na sa kagustuhan kong makabalik sa dating panahon e nanaginip pa ako? natutuwa kasi akong isipin na makita ang dating lugar namin kung saan ako lumaki, at makita ang mga kababata ko na naglalaro. Gusto kong baybayin ang kahabaan ng Rizal Avenue hanggang sa makarating ako sa lungsod ng Quezon (may A. Bonifacio na kaya nung 40's? o Delmonte Avenue?) Haaay! kung may mga nais kayong baguhin ano-ano kaya iyon? bala na kayo kung ano ang mga nasa isip niyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento